LEGAL HAWK

News Tidbits, Information Mills, and Research Center for Lawyers and Would Be Lawyers

Joke Corner

BATTLE OF THE BRAINLESS 
 

Host : Ano ang ginagamit na floatation 
device sa 
dagat upang hindi ka malunod? 
Clue : starts with the letter S (salbabida) Beep! 
Contestant : Sirena? 
Host : Hinde! Hindi ito babae. Beep! 
Contestant : Siyokoy? 
Host : Hindi! Hindi ito lalake. Beep! 
Contestant : Siyoke? 
 
 
H : What is the national tree of the Philippines? 
Clue : Starts with the letter “N” 
C : Niyog? 
H : Mas matigas pa diyan. 
C : (In a strong-sounding voice) NIYOG! 
 
H : Ano ang total ng 2 + 2? 
C : Three! 
H : Hinde, mas mataas pa diyan. 
C : (In a high pitched voice) Three! 
 
 
H : Saan binaril si Jose Rizal? 
Clue : “B” ang simula (Bagumbayan) 
C : Sa back? 
H : O sige, pwede rin na ang simula ay “L” (Luneta) 
C : Sa likod? 
H : Hindi pa rin. Para mas madali, “R.P” ang 
initials ng modern name niya (Rizal Park) 
C : Sa rear part? 
 
 
 
H : Saan tayo madalas pumupunta pag summer 
upang 
maligo? 
Clue : Starts with “B” (Beach) 
C : Banyo? 
H : Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka. 
C : Sa bubong? 
H : Hindi, marami kang makikita doong mga babaeng 
naka-bikini. 
C : Sa beerhouse? 
 
 
 
H : What is the national bird of the Philippines? 
Clue : Starts with the letter “M” (Maya) 
C : Manok? 
H : Hindi, brown ang kulay nito. 
C : Piniritong manok? 
H : Hindi, nagtatapos sa letter “A” 
C : Piniritong manoka? 
H : Hindi, mas maliit pa sa manok. 
C : Maggie chicken cube? 
 
 
H : What is the national flower of the Philippines? 
Clue : It starts with the letter “S” (Sampaguita) 
C : Sunflower? 
H : Hindi. Binebenta ito sa kalye. 
C : Stork? 
H : Hindi. Bulaklak sabi, eh. 
C : Sitsarong bulaklak? 
H : Hindi pa rin. Ends with the letter “A” 
C : Sitsarong bulaklak na may suka? 
H : O, para madali, uulitin ko ang clues at

dadagdagan ko p
C : pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa “S”,
nagtatapos sa letrang “A”, at kapangalan ito ng
isang sikat na singer.
C : Si Sharon Cuneta!

H : Ano ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag
ikaw ay nalulunod?
Clue : “L” ang simula ng pangalan niya.
C : Lifebuoy?
H : Hindi, pero kahawing nga ng pangalan ng sabon
ang pangalan ng taong ito.
C: Safeguard?
H : Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
C : Safe boy?
H : Hindi siya boy at matipuno nga ang
kaniyang katawan.
C : Si Mr. Clean!

H : Sino ang kauna-unahang chess grandmaster of
asia?
Clue : Kapangalan niya ang tao ng chess (Eugene
Torre)
C : Carole King?
H : Hindi, mas mababa sa King.
C : Al Quinn?
H : Hindi, tagalog ang apelyido niya.
C : Armida Siguion-Reyna?
H : Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
C : Bishop Bacani?
H : Mas mababa pa sa bishop.
C : Johnny Midnight?
H : Mas mababa pa sa knight.
C : Jerry Pons?
H : O ayan, ha. Nabanggit mo na ang lahat ng
piyesa. Yung kahulihulihang piyesa na lang.
C : Sylvia la Torre?

H : Sino ang national hero na naka-picture sa 500 peso bill?
Clue : Ang initials niya ay N.A. (Ninoy Aquino)
C : Nora Aunor?
H : Hindi, ang last letter ng palayaw niya ay Y
C : Guy Aunor?
H : Hindi, dati siyang senador.
C : Si former Senator Guy Aunor?
H : Hindi, patay na siya.
C : Ano!? Patay na si Nora Aunor!!??

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.